Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi totoo o peke ang mga post na kumakalat sa social media kaugnay sa pagpapatupad muli ng ‘No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon sa MMDA, nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng NCAP mula pa noong 2022 bunsod na rin ng inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema.
Nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na huwag basta maniwala sa mga natatanggap na mensahe o post sa social media. Mabuti anilang alamin muna ang pinanggalingan ng impormasyon o beripikahin mula sa mga lehitimong source.
Maaari namang tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa mga opisyal na account ng ahensya kung may natanggap na post kaugnay sa NCAP. | ulat ni Diane Lear