Nasubok ang pasensya ng MMDA Strike Force sa ikinasa nitong road clearing operations sa kalye ng Anahaw sa Brgy. Veterans sa Quezon City ngayong umaga.
Ilan kase sa mga residenteng may-ari ng mga sasakyang iligal na nakaparada ang umalma, may mga nanigaw pa at may umiyak dahil nagulat sa operasyon ng MMDA.
P1,000 ang multa sa mga nahuling iligal na nakaparada habang diretso tow at P2,000 naman kung ‘unattended’ pa ang sasakyan at walang drayber.
Ayon sa MMDA, hindi ito ang unang beses na nagkasa sila ng clearing ops sa naturang kalsada dahil paulit-ulit itong inirereklamo ng ilang concerned citizens dahil sa kabilaang parking ng mga sasakyan.
Dumating din ang kapitana ng barangay na aminadong problema talaga ang parking sa kanilang lugar kaya inaasikaso na ang pagkakaroon ng ordinansa sa one way street parking.
Sa kabuuan ng operasyon, nasa 8 sasakyan ang nahatak ng MMDA habang 15 naman ang natiketan.
Muli namang nagpaalala si MMDA Strike Force Head Gab Go sa mga motorista na maging responsable sa pagparada ng sasakyan at huwag harangan ang mga maliliit na kalsada. | ulat ni Merry Ann Bastasa