Pansamantalang suspendido ang transaksyon ng publiko sa ilang mga tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame.
Ito’y para bigyang-daan ang Command Conference ng PNP ngayong araw na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Alas-8 pa lamang ng umaga, nagsimula na ang partial lockdown sa loob ng Kampo kung saan, may ipinatutupad nang traffic re-routing scheme.
Nagtalaga na rin ng No Entry area ang Headquarters Support Service sa ilang lugar kung saan, tanging ang mga opisyal ng PNP na dadalo sa pulong ang maaaring dumaan.
May nakalatag na ring red carpet sa harap ng Multi-Purpose Center kung saan gagawin ang arrival honors para sa Pangulo. | ulat ni Jaymark Dagala