Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na matatapos ang decommissioning ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) pagdating ng taong 2025.
Sa pagdinig sa Senado, nagbigay ng update si Galvez sa gumugulong na decommissioning.
Hanggang Agosto 2023 aniya ay nasa 26,132 MILF combatants na ang na-decommission at 4,625 na armas nila ang nai-surrender na sa pamahalaan.
Nakapaglabas na rin aniya ang Department of Budget and Management (DBM) ng nasa P448 million para pondohan ang decommissioning na nasa 6,000 pang combatants.
Pinaliwanag naman ni Galvez na kahit pa noong 2014 pa napirmahan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ay noong 2019 lang naratipikahan ang Bangsamoro Organic Law.
Kaya naman 2019 lang rin nagsimula ang decommissioning ng mga MILF combatants at na-delay pa ito dahil sa COVID-19 pandemic. | ulat ni Nimfa Asuncion