Kinilala ng Millenium Challenge Corporation o MCC ng Estados Unidos ang mga oportunidad sa Pilipinas kaya anila nararapat ito sa tulong ng organisasyon.
Ayon kay MCC Chief Executive Officer Alice Albright, base sa kanilang datos, kahanga-hanga ang mga development sa bansa kaya karapat-dapat lamang ito sa mga programang pang-ayuda.
Maaalalang kamakailan ay nagpulong ang MCC kasama si Finance Secretary Ralph Recto.
Paliwanag ni Albright, ang Pilipinas ay namumukod tanging bansa na nasa tamang landas na pasulong at nakikitaan ng promising future.
Maalalang noong Disyembre, muling pinili ng MCC ang Pilipinas bilang eligible na magdevelop ng threshold program.
Ayon pa kay Albright, dahil sa mga pagbabago sa lehislayon kaya muling nakapasok ang Pilipinas sa threshold agreement na natapos noong 2016.
Ang nakaraang compact program na nasa 434-million dollars ay noong 2016 na sumuporta sa pagpapalakas ng revenue collection at community-driven development projects gayundin ang rehabilitation ng national road sa Samar. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes