Tumulak na patungong Davao Region ang 30-man contingent mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Ito’y para tumulong sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa nabanggit na lugar kasunod ng walang patid na pag-ulan na sinamahan pa ng mga pagguho ng lupa.
Ayon kay MMDA Acting Chair, Atty. Don Artes, tugon ito ng kanilang ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga nasalantang lugar.
Nasa 60 solar-powered water purifiers ang nakatakdang i-deploy sa lugar para magbigay ng malinis na tubig sa mga nasalantang residente kung saan, bawat unit ay kayang makapag-suplay ng 180 galon ng tubig kada oras.
Kabilang sa ipinadalang 30-man contingent ay ang mga tauhan ng Public Safety Division, Road Emergency Group, at Flood Control and Sewerage Management Office. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: MMDA