Pag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga ruta ng truck sa Metro Manila upang tiyaking mabilis at maayos na naihahatid ang mga pangunahing produkto sa mga pamilihan.
Ito ang tugon ni MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes makaraang dumulog sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang grupo ng mga trucker hinggil sa pagpapatupad ng EO no. 41.
Hinaing ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), hindi lahat ng lokalidad sa Metro Manila ay mayroong ipinasang ordinansa hinggil sa hindi pagbabayad ng pass-through fees.
Pero paliwanag ni Artes, nagpasa na ng resolusyon ang Metro Manila Council (MMC) hinggil sa suspensyon ng pagbabayad sa pass-through fees bilang tugon sa EO 41 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasunod nito, sinabi rin ni Artes na wala ring ipinatutupad na truck ban sa mga pangunahing lansangan sa ilalim ng nasasakupan ng MMDA. | ulat ni Jaymark Dagala