MRT-3, napasaya ang mga pasahero ngayong Valentines Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino ang pamamahagi ng Valentine’s treat sa mga pasahero, ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Mga rosas, tsokolate, stuffed toys, harana, at good vibes ang ipinamigay ng pamunuan ng MRT-3 para sa mga pasahero.

Ang handog na mga regalo ay pagpapasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga pasahero sa MRT-3.

Sabi pa ni Aquino, sulit ang pagod ng mga kawani, mula train drivers, maintenance crew, at ticket sellers sa kapalit na ngiti ng mga pasahero.

Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na nagsusumikap ang MRT-3 na pagbutihin ang serbisyo araw-araw kahit hindi man Valentine’s Day.

Sumakay ng “Love Train” si Asec. Aquino mula sa North Avenue Station hanggang Ayala Station kung saan ginanap ang programa.

Sa parehong programa, namahagi rin ang MRT-3 ng mga regalo sa mga nanalo sa pa-contest ng linya para sa Buwan ng Pag-ibig.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us