Bad news sa ating mga motorista dahil asahan na naman ang oil price hike ngayong linggo.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau, base sa pinakahuling trading, posibleng umabot sa ₱1.40 hanggang ₱1.60 ang taas-presyo sa gasolina, habang ₱0.90 centavos hanggang ₱1.10 sa diesel, at naglalaro naman sa ₱1 hanggang ₱1.20 sa kerosene.
Kaya naman payo natin sa ating mga motorista na magpa-full tank na ngayong araw dahil sa inaasahan taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Asahan naman na sa mga susunod na oras ay ilalabas na ng ilang mga kumpanya ng langis ang magiging pinal na presyo nito bukas. | ulat ni AJ Ignacio