Isang bilyong dolyar na halaga ng investment ang planong ilagak ng Coca-Cola sa bansa sa susunod na limang taon.
Ang intensiyon ay inihayag kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga top executives ng Coca-Cola sa kanilang naging pagkikita kahapon sa Malacañang.
Ang hakbang ng Coca-Cola ay kaugnay ng gagawin nitong expansion ng kanilang operasyon sa Pilipinas kasunod ng kumpiyansa nito sa business climate ng bansa.
Very encouraging naman ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasabing plano ng multi-national soft drinks company at isa aniyang welcome development ang nasabing hakbang.
Sa ngayon ay may 9,000 direct employees ang Coca-Cola sa bansa habang may 100,000 na indirect employees. | ulat ni Alvin Baltazar