Nakapagtala ang Lungsod ng Muntinlupa ng nasa 90 percent crime solve nitong nagdaang 2023.
Ito’y matapos maitala ng Muntinlupa City Police sa isinagawang peace and order council meeting ang nasa crime solution efficiency rate na 92 percent sa buong 2023.
Mas mataas ito kumapra noong 2022 na umabot lamang sa 87.22.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, ito’y sa kabila ng kanilang pinaigting na kampanya kontra kriminalidad at sa pagpapalakas ng Police mobility sa lungsod.
Dagdag pa ni Biazon na kanilang hangad na mapabilang sa pinakaligtas sa lungsod sa Metro Manila dahil sa mataas na crime solution efficiency.
Sa huli muling siniguro ni Mayor Biazon na mas papaigtingin pa nila ang pagsugpo sa kriminalidad para mas ligtas na pamumuhay ng bawat Muntinlupeño. | ulat ni AJ Ignacio