Bukod sa ADC Kadiwa Store sa Elliptical Road, Quezon City, nagbukas rin ngayong araw ang Kadiwa sa loob mismo ng tanggapan ng Department of Agriculture, Central Office.
Isang linggong iaalok ang mga murang gulay, prutas, bigas, at bilihin sa mga kawani ng DA bilang bahagi ng anibersaryo ng DA Employees Association.
Kasama sa mabibili sa Kadiwa store sa DA ang iba’t ibang lowland at highland vegetables na mabibili sa murang halaga lang.
Sa stall ng Agripreneur Farmers and Producers Association, ilan sa mabibili ang mga gulay na:
Sitaw – ₱85 kada kilo
Patola – ₱80 kada kilo
Upo – ₱35 kada kilo
Native Kalabasa – ₱60 kada kilo
Kamote – ₱50 kada kilo
Puso ng sagong – ₱35 kada kilo
Talong – ₱60 kada kilo
Ampalaya – ₱80 kada kilo
Siling panigang – ₱60 kada kilo
Pulang sibuyas – ₱70 kada kilo
Kamatis – ₱70 kada kilo
Sa stall naman ng highland vegetables, mabibili ang:
Carrots – ₱75 kada kilo
Patatas – ₱85 kada kilo
Lettuce – ₱80 kada kilo
Repolyo – ₱35 kada kilo
Cauliflower – ₱80 kada kilo
Pechay baguio – ₱35 kada kilo
Bell pepper – ₱80 kada kilo
Bukod sa gulay, may available ding prutas, bigas, at iba pang locally produced goods.
Ngayong Lunes, mayroon ding bukas na Kadiwa Store sa Mandaluyong City, Parañaque, Las Piñas, at Caloocan City. | ulat ni Merry Ann Bastasa