Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng mga pag-ulan at bahang dulot ng trough o extension ng Low Pressure Area o LPA.
As of February 11, umabot na sa higit ₱167-million ang halaga ng ayudang naipamahagi ng DSWD sa lahat ng mga apektado.
Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 800 na apektadong barangay sa Region 11, 12, CARAGA, at sa BARMM.
Aabot naman sa kabuuang 282,561 na family food packs ang naihatid na ng DSWD sa mga naapektuhan ng mga pag-ulan sa Davao Region.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot pa sa higit 10,000 pamilya o 40,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa