Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis ang nakaimbak na armas ng NPA sa Sitio Makilo, Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental.
Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa isang residente hinggil sa lokasyon nito.
Sa pinagsanib na operasyon ng 47th Infantry Battalion, 15th Infantry Battalion, at 604th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 6, narekober ang mga armas, medical supplies, improvised explosive devices at mga subhersibong dokumento.
Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni 47IB commanding officer Lt. Col. Magno M. Mapalad sa mga lokal na residente sa patuloy na pakikiisa upang masugpo ang terorismo sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne
📷: 47IB