Pinaigting pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang operasyon laban sa mga nalalabing miyembro ng Dawlah Islamiyah.
Ayon sa Western Mindanao Command (WESMINCOM), ito ay kasunod ng nangyaring engkwentro sa Lanao del Norte na ikinasawi ng anim na sundalo at ikinasugat ng apat na iba pa.
Ayon kay WESMINCOM Chief, Lt/Gen. William Gonzales, bantay sarado na nila ang mga lugar na posibleng gamiting lagusan ng mga terorista.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Gonzales na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasasawing Dawlah Islamiyah sa engkwentro dahil marami sa mga miyembro nito ang sugatan at posibleng naubusan ng dugo dahil sa tama ng bala sa katawan. | ulat ni Jaymark Dagala