Mahigit sa P280 milyong halaga ng farm machinery ang nakatakdang ipamahagi ngayon araw para sa mga farmer cooperatives and associations mula sa iba’t-ibang mga munisipyo sa Palawan.
Isasagawa ang turnover sa pamamagitan ng isang programa na ginaganap ngayon sa gymnasium ng bayan ng Narra, Palawan.
Kabilang sa mga benepisyaryo nito ay ang 50 grupo ng mga magsasaka sa probinsya na makatatanggap ng kanilang bahagi sa 74 na units ng farm machinery. Ipinamamahagi ng PHILMECH ang mga farm machinery sa ilalim ng RCEF Mechanization Program. | ulat ni Lyzl Pilapil | RP1 Palawan