Kasunod ng natamong 5.6 percent full year 2023 Gross Domestic Product (GDP) growth, bumaba ang debt-to GDP ratio ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Finance (DOF), nagresulta ang 2023 growth sa 60.2 percent na debt-to-GDP ratio, mas mababa sa 60.9 percent na naitala noong 2022.
Mas mababa din nito ang 61.2 percent na Medium Term Fiscal Framework (MTFF) target.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, nananatiling manageable ang pagkakautang ngayon ng PIlipinas at on track ang gobyerno na mapababa ito ng mas mababa pa sa 60 percent hanggang 2025.
Ibinida ni Recto ang “sound and prudent strategy” ng pamahalaan upang epektibong mabayaran ang mga utang at financing requirements ng bansa.
Ang debt-to-GDP ratio ay sinusukat upang maunawaan ang economic status ng isang bansa sa pamamagitan ng pagkukumpara ng utang nito sa economic output.
Nakatutulong din ito upang malaman ang abilidad ng isang nasyon kung papaano nito napapangasiwaan ang mga utang base sa laki ng ekonomiya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes