Magtatayo na ng National Cybercrime Training Institute (NCTI) ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., ipatutupad ito sa ilalim ng Public Safety College.
Aniya, dahil sa pagtaas ng kaso ng Cybercrime sa bansa, kinakailangan nang magsanay ng mga tao na tututok sa nasabing krimen.
Sa teknolohiya ngayon, posible ang pagdami pa ng mga mabibiktima sa online.
Masyadong teknikal at specialized ang paghawak ng Cybercrime kung kaya’t dapat na itong palakasin ng pamahalaan.
Tiniyak ni Abalos na malaking tulong ito sa PNP-Anti Cybercrime Group dahil mas magiging systematic at maparaan ang mga pulis na hahawak ng kaso.
Nakatakdang pirmahan ng DILG Chief ang kautusan sa pagtatatag ng NCTI sa susunod na linggo. | ulat ni Rey Ferrer