Tumatanggap na muli ang Civil Service Commission (CSC) ng nominasyon para sa 2024 Search for Outstanding Government Workers.
Ito ay taunang pagkilala sa mga kawani ng pamahalaan na nagpamalas ng husay sa kanilang tungkulin at nagsilbing ehemplo ng serbisyo publiko.
Sa inilabas na memo ng CSC, inabisuhan nito ang mga ahensya ng pamahalaan, LGUs, GOCCs, at State Universities na hanggang March 31 tatanggap ang mga CSC regional o field office ng nominasyon.
Kabilang sa mga kategorya ng Parangal ang Presidential Lingkod Bayan (PLB) Award na iginagawad sa mga indibidwal o grupo na nakatulong sa pambansang lebel sa kanyang pagsisilbi.
Mayroon ding Dangal ng Bayan Award at Pagasa Award na kumikilala sa empleyadong nakatulong sa dalawa o mas marami pang departamento ng pamahalaan.
Matatandaang nito lamang February 14 nang pangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang pagbibigay parangal sa Oustanding Government Workers Awardees para sa taong 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa