Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy nitong binabantayan ang mga presyo ng bigas at iba pang bilihin.
Ito ay matapos na maitala ang mataas na rice inflation na 22.6% noong January 2024 mula sa 19.6% noong December 2023.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, tinututukan ngayon ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang presyo ng bigas at iba pang bilhin. Lalo pa aniya at may banta ng El Niño sa bansa hanggang May.
Sa kabila nito, tiniyak ng NEDA na mayroong nakalatag na mga hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng El Niño.
Gaya na lamang ng pag-aangkat ng ilang bilihin hanggang sa mapatatag ang presyo nito sa mga pamilihan at maging abot kaya para sa mga mamimili, pati na rin ang pagsiguro na hindi malulugi ang mga local producer.| ulat ni Diane Lear