Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na suportado nito ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapalakas ang mga lokal na pamahalaan.
Ito ang mensahe ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa pagtatapos ng mga scholar ng batch 11 at 12 ng Local Government Executives and Managers Class ng Development Academy of the Philippines.
Isa itong training program na layong palakasin ang kakayahan ng mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan, at mapabuti ang serbisyo sa publiko.
Ayon kay Balisacan, maraming hamon ang kinakaharap ng mga LGU kaya ang mga inisyatibo na makapagbabago at makatutulong sa mga lokal na pamahalaan ay may malaking epekto sa buong bansa.
Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang LGU executives at managers na isulong ang mga pagbabago sa kanilang mga komunidad.
Binigyang diin din ng NEDA ang kahalagahan ng local development para sa maayos na paghahatid ng mga serbisyo sa mamamayan. | ulat ni Diane Lear