Ongoing pa rin ang restoration efforts ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa naapektuhan nitong pasilidad sa Davao Oriental bunsod ng mga pag-ulan at pagbaha sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa NGCP, nagpatuloy kaninang alas-5 ng madaling araw ang pagkukumpuni sa lugar.
Kabilang sa mga apektado ang sineserbisyuhan ng DORECO (Cateel at Baganga Substations).
Una nang iniulat ng NGCP na may nabuwal na istruktura sa bahagi ng Bislig-Cateel-Baganga 69kV Line sa Brgy. Carmen, Boston, Davao Oriental, dahil sa walang patid na ulan sa lalawigan.
Target naman ng NGCP na mapagana ang suplay ng kuryente sa lugar bandang alas-12 ng tanghali. | ulat ni Merry Ann Bastasa