Makakatuwang na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang National Grid Corporation of the Philippines sa pagpapalakas ng National Fiber Backbone (NFB) Project.
Isa ito sa mga priority programs ng DICT na target makumpleto sa 2026.
Pinangunahan nina DICT Secretary Ivan John Uy, at NGCP president at CEO Anthony L. Almeda, ang paglagda sa lease agreement para sa ilang imprastruktura ng power grid operator, kabilang ang private telecom network infrastructure at substations
Ayon kay DICT Sec. Uy, makatutulong ang paglagda sa naturang kasunduan para sa deployment ng mas malawak na national broadband infrastructure tungo sa paghahatid ng mabilis na connectivity sa mga pilipino.
“The signing of the Specific Site Lease Agreement will lead us closer to providing lighting-fast broadband connectivity to Filipinos,” DICT Secretary Ivan John Uy.
Ang National Fiber Backbone (NFB) ay nakahanay sa layunin ng National Broadband Plan, na mapabilis ang deployment ng fiber optic cable at wireless technology sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa