Buo ang suporta ng National Housing Authority (NHA) sa Bagong Pilipinas ng administrasyong Marcos Jr.
Para sa unang quarter ng 2024, nakahanay na ang pagpapatupad ng mga programang pabahay at emergency housing assistance.
Pangungunahan ni NHA General Manager Joeben Tai ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Negros Occidental mula Pebrero 13-16, gayundin sa Antique at Aklan sa darating na ika-17 ng buwan.
Sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP), 482 pamilya mula sa Visayas ang pagkakalooban ng tulong pinansyal ngayong Pebrero.
Sa huling linggo ng Pebrero din ipapamahagi sa 266 na pamilya sa Mandaluyong City ang kanilang tulong pinansyal.
Nakatakda ring lumahok ang NHA sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Siquijor sa Pebrero 17-18; sa Sultan Kudarat sa Pebrero 24-25; Oriental Mindoro sa Marso 9-10; at Lungsod ng Butuan sa Marso 15-16.
Pangungunahan din ng NHA ang ceremonial turnover sa mga housing unit para sa limang (5) benepisyaryo sa Sultan Kudarat bilang bahagi ng BPSF.| ulat ni Rey Ferrer