Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme bukas, February 9.
Ayon sa MMDA, ito ay bilang pakikiisa na rin sa pagdiriwang ng Filipino-Chinese Community sa bansa ng Lunar New Year o ang pagpasok sa ng Year of Wood Dragon.
Una nang idineklara ng Malacañang ang February 9 bilang dagdag na Special Non-Working day sa bansa para sa Chinese New Year sa February 10 upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pinoy na makipagdiwang sa mga “Tsinoy” ng Chinese New Year.
Kasunod niyan, nanawagan naman ang MMDA sa mga motorista na planuhing maigi ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. | ulat ni Jaymark Dagala