Ordinansa sa La Union na nagkakaloob ng insentibo sa mga may edad 80-95, inaasahang lalagdaan ni PBBM bilang ganap na batas
Inaasahang magiging ganap na batas ngayong araw, Pebrero 26, 2024 ang ordinansang Octogenarian, Nonagenarian and
Centenarian Benefit Ordinance of the Province of La Union na naglalayong magbigay ng cash gifts sa mga makakaabot sa edad na 80 hanggang 95.
Ayon kay La Union First District Representative Francisco Paolo Ortega V na siyang may akda sa naturang lokal na ordinansa, inaasahang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Malacañang ang Senate Bill No. 2028 at House Bill No. 7535 na pinamagatang “Granting Benefits to the Filipino Octogenarians at Nonagenarians.”
Sa ilalim ng panukala, makakatanggap ng P10,000 na cash gift ang mga senior citizens na makakaabot sa edad na 80, 85, 95 habang ang mga makakaabot sa 100 ay pagkakalooban ng P100,000. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo
📷Provincial Government of La Union