Naramdamdan ang mainit at maalinsangang panahon sa ilang lugar sa bansa kahapon ayon ‘yan sa PAGASA.
Batay sa heat index monitor ng PAGASA, pumalo sa 42°C ang heat index o alinsangan sa katawan na naramdaman sa Calapan, Oriental Mindoro kahapon.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Umabot rin sa 41°C ang heat index sa Cotabato City sa Maguindanao.
Ngayong araw, inaasahan namang aabot sa hanggang 40°C ang heat index sa Oriental Mindoro.
Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa posibilidad ng heat illness at iba pang sakit sa peak ng El Niño phenomenon mula Pebrero hanggang Abril. | ulat ni Merry Ann Bastasa