Nagpasalamat ang Office of the Vice President sa mga Pilipino sa patuloy nitong pagtitiwala kay Vice President Sara Duterte bilang lider at isang lingkod bayan.
Ito ay matapos na makakuha ng mataas na trust at performance ratings ang Pangalawang Pangulo sa December 2023 4th Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research kaugnay sa Awareness, Trust, and Performance ratings ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Batay sa naturang survey, nakakuha ng 77% na trust rating si VP Sara na mas mataas kumpara sa 75% na trust rating noong ikatlong quarter na TNM Survey. Habang 75% naman ang naitalang performance rating.
Magsisilbi anila itong inspirasyon upang makatulong at gawing mas accessible ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan para sa mga Pilipino.
Tiniyak naman ng OVP na paiigtingin pa ang kanilang mga ginagawa para tumulong sa taumbayan. | ulat ni Diane Lear