Patuloy ang Office of the Vice President (OVP) Disaster Operations Center at Davao Satellite Office sa paghahatid ng tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad sa Davao Region.
Ayon sa OVP, umabot na sa 671 relief boxes ang naipamahagi ng OVP sa mga evacuation center sa Maco, Davao de Oro.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang Nueva Ilocos National High School, Nueva Visayas Gym Elementary School, Andili National High School, Andili Elementary School, Lorenzo Sarmiento Sr. National High School at Bawani Elementary School.
Bukod dito ay ipinadala rin ng OVP ang Kalusugan Food Truck upang maghatid ng pagkain sa mga apektadong residente.
Personal ding pumunta sa lugar si Vice President Sara Duterte upang magpaabot ng tulong at pakikiramay sa mga biktima.
Nagpasalamat naman ang OVP sa maagap na pagkilos ng mga responder at lahat ng tumutulong upang maipaabot serbisyo sa mga biktima. | ulat ni Diane Lear