Ipinababatid ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa publiko na hindi konektado o walang kinalaman sa kanila ang isang website na gumagamit ng pangalan ng kanilang ahensya.
Ayon sa OWWA, iisa lamang ang kanilang website na ginagamit at ito ang owwa.gov.ph. at hindi konektado sa website na owwamember.com.
Sa anunsyo ng OWWA, naglalabas diumano ang nasabing website ng mga detalye patungkol sa mga programa at serbisyo ng ahensya sabay paalala sa publiko na huwag magpapaniwala sa mga post ng mga hindi beripikadong website. | ulat ni EJ Lazaro