Ang Workers Welfare Administration (OWWA) XI , sa pakipag-kooperasyon ng Provincial Government ng Davao Oriental sa pamamagitan ng Public Employment Service Office ay (PESO) ay magbibigay ng Welfare Assistance Program (WAP) para sa mga active members nito na naapektuhan ng malakas na pag- ulan, pagbaha at landslides kamakailan sa Probinsya ng Davao Oriental.
Ang Provincial Government ng Davao Oriental na pinanguluhan ni Governor Niño Sotero L. Uy, Jr. ay talagang naninindigan para sa OFWs sa panahon ng paghihirap at siya ay nangako na tulungan sila na makatayong muli sa kanilang buhay.
Hinimok ng governor ang OWWA active members na apektado ng kamakailan ng kalamidad na pakinabangan ang welfare assistance program.
Paalala lang mula sa OWWA XI na ang WAP Calamity Assistance ay para sa mga miyembro ng OWWA na hindi expired ang membership sa petsa na pag-deklara ng State of Calamity sa bayan o lalawigan.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao