Tiniyak ng pamumuan ng Philippine Reclamation Authority na mahaba ang pisi ng kanilang pwedeng itulong sa pamahalaan.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PRA Asst. General Manager Joselito Gonzales na madadagdagan pa ang kasalukuyang P150 bilyon na unaudited asset nito sa oras na kumita na ang mga investment ng kanilang ahensya.
Giit ng mga opisyal ng PRA, ang patuloy na paglago ng kita nila ay bahagi ng pagsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos. Jr. na Bagong Pilipjnas.
Kasabay nito ay sinabi din ng PRA na inaasahan nilang makukumpleto ang ilang reclamation project sa Manila Bay sa Disyembre ng taong 2025.
Ito anila ang mga bahagi sa Pasay at Cavite kung saan inaasahang magiging business district din ang mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco