Pumalo sa P18 milyon ang halaga ng multa na makokolekta ng pamahalaan sa mga kolorum na sasakyan.
Ito ay resulta ng pinaigting na Anti-Colorum Operations ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr).
Batay sa datos, nasa 50 mga kolorum na sasakyan ang nahuli ng SAICT simula February 1 hanggang February 22.
Kabilang sa mga nahuli ng SAICT ang mga bus, van, at iba pang pampublikong sasakyan.
Nasa P200,000 ang multa sa mga kolorum na van, habang P1 milyon naman ang ipinapataw sa mga kolorum na bus.
Nanawagan naman ang DOTr rsa publiko na huwag tangkilin ang mga kolorum na sasakyan sa halip ay i-report ito sa DOTr Commutter Hotline 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear