Opisyal nang ipinasakamay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kabuoang P3,174,416.00 pondo sa Local Government Unit (LGU) ng bayan ng Bolinao, Pangasinan na siyang ipamamahagi sa iba’t ibang tourism association sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan.
Isinagawa ang pagpapasakamay ng pondo kahapon, ika-26 Pebrero 2024. Ang mga proyektong pangkabuhayan ay upang bigyang pugay ang malaking tungkulin at papel ng mga asosasyong pangturismo sa pagpapalakas ng turismo ng bayan.
Naisakatupan ang programa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DOLE at LGU Bolinao sa pamamagitan ng Public Employement Service Office (PESO) Bolinao at Bolinao Tourism Office.
Ilan sa proyektong pangkabuhayan na ibibigay sa ilalim ng pondo ang mga water equipments, boat rentals, tour guiding kits, daing processing, vulcanizing tools, mga
materyal ng bangka, at mga gamit pangisda.
Ayon sa Bolinao Tourism Office, layunin ng mga proyektong pangkabuhayan na itaguyod ang kaunlaran ng mga pamayanan sa bayan ng Bolinao.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan