Agad umaksyon ang tanggapan ng House Speaker para makapagpalabas ng P35million na halaga ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Palawan.
Bilang legislative caretaker ng congressional district ng namayapang Rep. Edward Hagedorn, inendorso ni Speaker Martin Romualdez ang mobilization ng pondo para tulungan ang nasa 920 na pamilya mula Barangay Pagkakaisa at Bagong Silang sa Puerto Princesa na natupok ang mga bahay ngayong umaga.
Inihahanda na rin ng tanggapan ng House Speaker at Tingog Party-list ang nasa 3,500 na food packs para sa mga nasunugan na mula sa personal camality assistance fund ng House Speaker at Tingog party-list
Kasama sa ayuda ang P10,000 na tulong pinansyal kada pamilya sa pamamagitan ng AIC program ng DSWD na hinugot mula sa 2024 National budget.
Nasa proseso naman ang City Social Welfare Development (CSWD) sa pagsasapinal ng listahan ng mga naapektuhan ng sunog.
Pagsiguro ng House leader na aagapay ang pamahalaan para makabangon muli ang mga biktima ng sunog.
“We are deeply saddened by the tragedy that has befallen the residents of Barangay. Pagkakaisa and Barangay Bagong Silang. In these trying times, it is imperative that we come together as a nation to support our fellow Filipinos. The provision of financial assistance is a crucial step in our concerted efforts to aid in their recovery,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes