Pinuri ni Camarines Sur Representative Lray Villafuerte ang pagtaas sa diskwentong natatanggap ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).
Ginawa ni Villafuerte ang pahayag kasunod ng pag-anunsiyo ni House Speaker Martin Romualdez sa P500 na buwanang diskwento sa groceries ng seniors at PWDs, at kasunod ng kanyang naging pulong kasama ang Department of Trade and Industry (DTI).
Pinapurihan din ng mambabatas si Speaker Romualdez sa kanyang naging atas sa kapulungan na pag-aralan ang mga batas na makapagbibigay ng financial relief sa mga senior at PWDs.
Suportado rin ng Bicolano solon ang panukala ni Speaker Romualdez, na bukod sa weekly discount sa groceries ay dapat meron din sa kanilang food supplements.
Aniya, nakikiisa siya sa babala laban sa mga pasaway na establisyimento na hindi sumusunod sa pagbibigay ng discount sa mga vulnerable sector. | ulat ni Melany Valdoz Reyes