Umakyat sa tinatayang halaga na P73 bilyon ang naging kontribusyon ng Dive Tourism sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2023, doble sa kinita nito noong 2022, ayon sa ulat ng Department of Tourism (DOT).
Umakyat sa tinatayang halaga na P73 bilyon ang naging kontribusyon ng Dive Tourism sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2023, doble sa kinita nito noong 2022, ayon sa ulat ng DOT.
Dahil dito, ipinaabot ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang kanyang pangako na susuportahan at itataguyod ang industriya ng diving sa bansa sa kanyang pahayag sa opening ng Philippine International Dive Expo (PHIDEX) 2024.
Patunay dito ang pagdadagdag ng mga hyperbaric chamber sa ilang lugar para sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga diver sa mga diving destination sa bansa na tinatayang nasa humigit-kumulang 120 na sa kasalukuyan.
Taglay nito ang nasa mahigit sa 500 uri ng corals at 2,000 uri ng mga isda, na ayon sa kalihim, ay magpapanatili sa Pilipinas sa posisyon nito bilang World’s Premier Dive Destination.| ulat ni EJ Lazaro