Nag-deploy ang Philippine Air Force ng dalawang helicopter para maghatid ng relief supplies sa munispyong lubhang apektado ng kalamidad sa Davao de Oro.
Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief Col. Ma Consuelo Castillo, gamit ang kanilang dalawang Bell 412 CUH helicopter, naisakatuparan ng PAF ang transportasyon ng 800 sako ng relief goods sa bayan ng New Bataan.
Ang operasyon ay isinagawa ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao at Pamahalaang Panlalawigan.
Paliwanag ni Castillo, kinailangang gumamit ng helicopter para marating ang munisipyo dahil sa hindi madaanan ang mga kalsada sanhi ng pagguho ng lupa o landlides at pagbaha.
Ayon sa PAF, patuloy silang makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa mga rehiyong apektado ng kalamidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF