Ipinagbawal na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng buhay na baka at buffaloes at iba pang produkto nito mula sa Libya, Russia, South Korea at Thailand.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito’y dahil sa outbreaks ng Lumpy Skin Disease (LSD), isang viral infection na nakakamatay ng mga baka.
Dahil dito, agad ipinag-utos Laurel ang agarang suspensyon ng pagproseso, ebalwasyon at pag-isyu ng sanitary at phytosanitary clearances para sa pag-angkat ng buhay na baka at buffalo, at kanilang produkto.
Batay sa ulat ng National Center for Biotechnology Information, naitala ang unang outbreak ng LSD sa Southeast Asia noong 2020, partikular sa Vietnam at Myanmar.
Kumalat ito sa Thailand at Laos noong 2021, pero walang naitalang kaso sa Pilipinas at Indonesia hanggang sa ngayon. Ang sakit sa hayop ay nagmula sa bansang Africa.| ulat ni Rey Ferrer