Welcome para kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikatlong phase ng modernization program para sa militar, kung saan kasama dito ang pagbili ng unang submarine warship ng bansa.
Ayon kay Pimentel, mahalaga na mapalakas ang kapabilidad ng ating sandatahang lakas lalo na sa naval warfare sa pamamagitan ng pagkakaroon ng surface ships, submarine at aircraft para mabantayan ang integridad ng ating national territory.
“As an archipelagic state, we are most vulnerable to potential foreign incursions by sea, and in the future, we are counting on submarine patrol operations to effectively deter such external threats,” sabi ni Pimentel.
Inanunsyo kamakailan ni Commodore Roy Vincent Trinidad na inaprubahan ng Malacañang ang pagbili ng higit sa isang submarine bilang bahagi ng multi-year AFP Modernization Program (AFPMP).
Tinukoy ni Pimentel na pinaglaanan ng P50 billion na pondo ang programa sa ilalim ng 2024 national budget.
Umaasa naman ang mambabatas na ikonsidera ng Department of National Defense ang alok ng Indonesia na magbenta ng anti-submarine warfare (ASW) aircraft sa Pilipinas.
“Offhand, the Philippine Navy could use the aircraft to defend against possible submarine attacks,” saad ni Pimentel. | ulat ni Kathleen Forbes