Umabot sa ₱126.04 bilyon ang naipamahaging home loan ng Pag-Ibig Fund noong 2023 na mas mataas kumpara noong 2022 na umabot lamang sa ₱117.85 bilyon.
Ayon kay Pag-Ibig President at CEO Marilene Acosta, ito’y dahil sa maayos na pamamalakad ng Pag-Ibig at pag-cater sa pangangailangan ng mga miyembro nito.
Dagdag pa ni Acosta na sa kabila ng mataas na home loan outcome ay mas mababa pa rin ang interes ng Pag-Ibig sa kanilang home loan at ilang loan programs.
Sa huli, sinabi ni Acosta na asahan na mas palalaguin ng Pag-Ibig ang mga kontribusyon ng kanilang mga miyembro upang magkaroon ng mas malaking dibidendo. | ulat ni AJ Ignacio