Welcome development sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang paglalabas ng P350 milyon na developmental loan ng Pag-Ibig para sa isang township project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Partikular ito sa konstruksyon ng Phase 1 ng Palayan City Township Project sa Nueva Ecija na kasama sa 36 Pambansang Pabahay projects na ongoing na.
Ayon kay DHSUD Sec. Rizalino Acuzar, malaking bagay ito para lalong mapapatatag at mapabilis ang implementasyon sa Pambansang Pabahay ng administrasyong Marcos.
“Hindi lamang nito masisigurado ang tuloy-tuloy na township development diyan sa Palayan City, more importantly this will further boost the private sector’s confidence to the flagship housing program.”
Sa ilalim ng Palayan City Township Housing Project, apat na gusali ang kasalukuyang itinatayo na target mabenepisyuhan ang 1,076 pamilya. | ulat ni Merry Ann Bastasa