Muling makikipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa mga opisyal ng Philippine Ports Authority.
Layon ng pulong na tiyaking nakakasunod ang shipping companies sa batas sa pagbibigay prayoridad sa pagtransport ng agricultural products.
Muling mag-uusap ang DA at PPA bunsod ng mga reklamo ng highland vegetable farmers at traders kaugnay sa pag-transport ng agricultural products, kapwa sa lupa at dagat.
Nagkausap na si Sec. Laurel at PPA General Manager Jay Santiago noong nakaraang linggo para bumuo ng partnership bilang suporta sa mga hakbangin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pataasin ang produksyon ng pagkain at gawing moderno ang agrikultura.
Nangyari ang pag uusap bago ang pagtungo ni Secretary Laurel sa Baguio City para makipagkita sa mga magsasaka at iba pang stakeholders sa Cordillera Region.
Alinsunod sa batas, obligado ang shipping companies na maglaan ng kahit 25% ng kanilang cargo space para mag transport ng agricultural food products.
Dapat din aniyang nasa discounted rate ang agricultural freight rate para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain. | ulat ni Rey Ferrer