Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang masusing pagrepaso sa Solar-Powered Irrigation System (SPIS) projects ng Department of Agriculture (DA).
Ang hakbang ay ginawa ni Secretary Tiu Laurel, kasunod ng ulat na may mga yunit ang napabayaan na o hindi na gumagana.
Partikular na inutusan ni Tiu Laurel ang mga Regional Executive Director ng ahensiya na gawin ang review sa tulong ng pribadong sektor sa pangunguna ni dating Agriculture Secretary Manny Piñol.
Naglabas ng direktiba ang DA Chief, kasunod ng Facebook post ni Pinol tungkol sa isang Solar-Powered Irrigation System sa Mlang, Cotabato na natapos noong 2020 ngunit hindi na-turn over sa farmer beneficiaries ng DA Regional Office 12.
Ipinag-utos ng kalihim ang makipag-ugnayan sa dating kalihim para sa gagawing review at assessment.
Batay sa records ng DA, mahigit 200 solar-powered irrigation system units ang itinayo sa buong bansa mula nang gamitin ito bilang isang banner program ng DA. | ulat ni Rey Ferrer