Hindi nagustuhan ng ilang mambabatas na nadamay na naman ang Kamara sa isyu sa Senado.
Ito’y matapos ang pahayag ng isang senador, na posibleng galing sa Kamara ang isyu ng ‘kudeta’ sa Senate leadership.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, nirerespeto nila ang internal rules ng Senado kaya kung anuman ang isyu nila ay labas na ang Kamara.
Sabi naman ni PBA arty-list Rep. Migs Nograles, kung mayroong hindi pagkakaintindihan ang mga senador ay walang kinalaman ang Kamara dito.
Sa panig naman ng minority bloc ng Kamara, ikinagualt ni 1–Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na nagulat siya sa naturang pahayag.
Sa pagkakatanda aniya niya, sinabi ng isang senador na ‘kongresista lamang’ sila, kaya wala aniya silang ganoon kalaking impluwensya sa mga kasamahang mambabatas sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes