Pagbabayad sa claims ng OFWs sa Riyadh, dahil sa paninindigan at pagbabantay ni Pang. Marcos Jr. – OFW Party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino na sa wakas ay natanggap na ng nasa 1,104 na OFWs ang kanilang labor claims matapos ang higit-kumulang 10 taon na paghihintay.

Aniya, malaking bagay sa pagsasakatuparan nito ang masugid na pagbabantay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuparin ng Saudi Arabia ang kanilang pangako, na aayusin ang problema sa back pay ng OFWs.

Matatandaan na isa sa mga paksa ng bilateral meeting ni Pangulong Marcos sa Riyadh noong nakaraang taon ay ang pagresolba sa hindi pa nabayarang sweldo ng 10,000 OFWs, na na-retrench noong 2015.

Pinasalamatan din ni Magsino ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nag-asikaso at nagproseso para sa pagbabayad.

Batid ng mambabatas, na simula pa lamang ito ng proseso dahil marami pa ring mga OFW ang naghihintay sa kanilang claims.

Magkagayunman, tiwala si Magsino na sa paninindigan ng Pangulo ay makakamit din ng lahat ng OFW na hindi pa nabayaran ang kanilang ‘good news.’

“Sa paninindigan at katapatan ng ating Pangulong Marcos, tayo’y panatag na pagsusumikapan ng ating pamahalaan na maging good news na ang pagbigay ng claims para sa lahat ng naapektuhang OFWs sa lalong madaling panahon.” sabi ni Magsino | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us