Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas na layong bigyan ng kompensasyon ang mga biktima ng maling pag-aresto at pagkulong dahil sa mistaken identity.
Sa Senate Bill 2547 o ang Mohammad Said bill ng senador, ipinunto nito ang kaso ng 62-year old na si Mohammad Maca-antal Said na nabiktima ng maling pagkaaresto noong 2023 dahil sa mistaken identity.
Napalaya na rin si Said nitong February 7.
Ipinapanukala ni Padilla na dapat mabigyan ng kompensasyon, sa pamamagitan ng isang Board of Claims, ang anumang maling pagkakakulong ng isang indibidwal dahil sa mistaken identity base sa haba ng panahon ng pagkakakulong nito.
Aniya, mismong Korte Suprema ang nagsabi na hindi ligal ang pagkulong ng isang tao dahil sa mistaken identity.
Nais din nitong itaas ang kompensasyon para sa biktima ng unjust imprisonment or detention, na hindi bababa sa ₱10,000 kada buwan ng pagkakulong. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion