Welcome kay Pangulong Ferdinand R. ,Marcos Jr. ang mungkahi ng pribadong sektor na pagbibigay ng libreng healthcare at information technology training bilang paraan upang mapigilan ang mabilis na pagkaubos ng mga IT at healthcare workers sa bansa.
Ayon sa Pangulo, hindi naman talaga mapipigilan kung mag-abroad man para sa ‘greener pasteur’ ang mga kababayan nating nasa nabanggit na sektor subalit ang problema ay nawawalan ang bansa ng health workers at mga nasa field ng information technology.
Kaya sa pamamagitan ng certification system ayon sa Pangulo ay mapipigilan ang mabilis na pag-alis ng ating mga kababayan papuntang ibang bansa kapalit ng mas malaking sahod
Sa ilalim ng certification system ay maaaring maka-avail ng healthcare at IT scholarship ang kuwalipikadong aplikante subalit kailangang dito muna sa bansa gamitin ang kanyang natutunan, halimbawa ay sa loob ng tatlong taon bago mapahintulutang makapangibang bayan.
Nabuksan ang usapin sa nakaraang pulong ng Pangulo kamakailang sa Private Sector Advisory Council-Jobs Sector Group sa Malacañang. | ulat ni Alvin Baltazar