Ipinababatid ng local government unit ng Taguig City na asahan ang posibilidad ng mabigat ng daloy ng trapiko sa ilang kalsada ng lungsod dahil sa pipe-laying activity na isinasagawa ng Manila Water.
Ayon sa advisory na inilabas ng lungsod, apektado ang mga lugar ng:
• Ruhale St.
• M. Natividad St.
• Bambang ni Felix St.
• DM Cruz St.
• F. Manalo St.
• Bantayan Road
• Cayetano Boulevard
Kaya naman pinapayuhan ang mga motorista ng kapwa Taguig LGU at Manila Water na dumaan sa ilang alternate routes at maging handa sa posibilidad ng implementation ng stop-and-go scheme sa mga apektadong lansangan.
Dagdag pa ng Taguig LGU, na asahan ng mga residente ang ingay at alikabok dulot ng ongoing construction na magtatagal ng 443 araw o hanggang Enero ng susunod na taon.
Umaasa naman ang lungsod sa pang-unawa at pasensya sa lahat ng maapektuhan ng nasabing proyekto. | ulat ni EJ Lazaro