Nagpahayag ng pagkadismaya ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa resulta ng pagbisita sa bansa ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan at sa kanyang rekomendasyong buwagin ang NTF-ELCAC.
Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang exit report ni Khan ay counterproductive sa kampanya ng pamahalaan kontra sa terrorismo, at pagsisikap na itaguyod ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Ayon kay Torres, sa kabila ng pakikipag-usap ni Khan sa iba’t ibang ahensya ng gubyerbo ukol sa kalayaan ng pamamahayag at opinyon sa bansa, hindi parin niya naunawaan ang mga establisadong instrumento ng pamahalaan sa paglaban sa terrorism at pagsulong ng kapayapaan.
Giit ni Torres ang rekomendasyon ni Khan na buwagin ang NTF-ELCAC ay pagtatangka na buhayin ang naghihingalong CPP-NPA-NDF.
Malinawa aniya na trinaydor ni Khan ang pamahalaan at nagpagamit sa mga grupong nagnanais na hindi magtagumpay ang NTF-ELCAC. | ulat ni Leo Sarne